Add parallel Print Page Options

12 May mga nagdatingan ding mga maniningil ng buwis na magpapabautismo na nagsabi sa kanya, “Guro, ano ang nararapat naming gawin?” 13 Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong sumingil nang labis sa ipinag-uutos sa inyo.” 14 Nagtanong din sa kanya ang mga kawal, “At kami naman, ano naman ang dapat naming gawin?” At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong mangikil ni magbintang nang mali. Makuntento kayo sa inyong sinasahod.”

Read full chapter