Add parallel Print Page Options

16 Siya ay pumunta sa Nazaret, ang lugar na kinalakihan niya. Ayon sa kaniyang kinaugalian, siya ay pumasok sa sinagoga sa araw ng Sabat. Siya ay tumayo upang bumasa. 17 Ibinigay sa kaniya ang nakabalumbongaklat ni Isaias na propeta. Nang mailadlad ang aklat, natagpuan niya ang bahagi na ganito ang nasusulat:

18 Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin dahil pinahiran niya ako upang ipahayag ang ebanghelyo sa mga dukha. Sinugo niya ako upang pagalingin ang mga sugatang puso. Sinugo niya ako upang ipangaral ang kalayaan sa mga bihag at ang pananauli ng paningin sa mga bulag. Sinugo niya ako upang palayain ang mga inapi.

Read full chapter