Font Size
Lucas 6:42-44
Ang Salita ng Diyos
Lucas 6:42-44
Ang Salita ng Diyos
42 Paano mo masasabi sa iyong kapatid: Kapatid, hayaan mong alisin ko ang puwing sa iyong mata kung hindi mo nakikita ang troso na nasa iyong mata? Ikaw na mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang troso na nasa iyong mata. Pagka-alis mo nito, makakakita ka nang malinaw upang maalis mo ang puwing sa mata ng iyong kapatid.
Ang Puno at ang Bunga Nito
43 Sapagkat ang mabuting punong-kahoy ay hindi namumunga ng masamang bunga. Gayundin naman, ang masamang punong-kahoy ay hindi namumunga ng mabuting bunga.
44 Ang bawat punong-kahoy ay nakikilala sa kaniyang sariling bunga. Sapagkat ang mga tao ay hindi nangangalap ng igos sa mga tinik. Hindi rin sila nangangalap ng ubas sa mga dawag.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International