Font Size
Lucas 8:37-39
Ang Salita ng Diyos
Lucas 8:37-39
Ang Salita ng Diyos
37 Ang buong karamihan ng taga-Gadara at sa palibot nito ay humiling kay Jesus na umalis siya sa kanilang lupain sapagkat sila ay pinagharian ng takot. Sumakay si Jesus sa bangka at bumalik sa kaniyang pinanggalingan.
38 Ang lalaking nilabasan ng mga demonyo ay nagsusumamo sakaniya na makasama sa kaniya. Ngunit pinaalis siya ni Jesus. 39 Sinabi sa kaniya: Bumalik ka sa iyong bahay. Isalaysay mo ang lahat ng ginawa sa iyo ng Diyos. At umalis siya na inihahayag sa buong lungsod ang lahat ng ginawa ni Jesus sa kaniya.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International