Add parallel Print Page Options

44 Ang babae ay pumunta sa likuran ni Jesus at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit. Ang pagdurugo niya ay dagliang naampat.

45 Sinabi ni Jesus: Sino ang humipo sa akin?

Nang ang lahat ay tumanggi, si Pedro at ang mga kasama niya ay nagsabi: Guro, napapaligiran ka at sinisiksik ng mga tao at pagkatapos ay sasabihin mo: Sino ang humipo sa akin?

46 Sinabi ni Jesus: May humipo sa akin dahil alam kong may kapangyarihang lumabas sa akin.

Read full chapter