Font Size
Lucas 9:48-50
Ang Salita ng Diyos
Lucas 9:48-50
Ang Salita ng Diyos
48 Sinabi niya sa kanila: Sinumang tatanggap sa maliit na batang ito sa aking pangalan ay tumatanggap sa akin. Sinumang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin sapagkat ang sinumang pinakamababa sa inyong lahat ay siyang magiging dakila.
49 Sumagot si Juan. Sinabi niya: Guro, may nakita kaming isang nagpapalayas ng demonyo sa pangalan mo. Pinagbawalan namin siya dahil hindi namin siya kasama.
50 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Huwag ninyo siyang pagbawalan. Ang sinumang hindi laban sa atin ay sang-ayon sa atin.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International