Add parallel Print Page Options

Dapat ninyong malaman na binabalaan ko kayo upang magpatuloy ang aking kasunduan sa inyong ninunong si Levi. Sa aking kasunduan kay Levi, ipinangako ko sa kanya ang buhay[a] at kapayapaan, basta igalang lamang niya ako. At iyan nga ang kanyang ginawa. Itinuro niya ang katotohanan at hindi ang kasinungalingan. Maayos ang kanyang relasyon sa akin at namuhay siya nang matuwid. At tinulungan niya ang maraming tao upang huwag nang gumawa ng kasalanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:5 buhay: Maaaring ang ibig sabihin ay mabuti o/at mahabang buhay.