Malakias 3:5-7
Ang Biblia (1978)
5 At aking lalapitan kayo sa kahatulan; at ako'y magiging maliksing saksi laban sa mga manghuhula, at laban sa mga mangangalunya, at laban sa mga sinungaling na manunumpa, at laban (A)doon sa nagsisipighati sa mangaaraw sa kaniyang mga kaupahan, sa (B)babaing bao, at sa ulila, at sa nagliligaw sa taga ibang lupa mula sa kaniyang matuwid, at hindi natatakot sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
6 Sapagka't ako, ang Panginoon, ay (C)hindi nababago, (D)kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos.
Ang pagsamo ng Panginoon at pagtutol.
7 (E)Mula nang mga kaarawan ng inyong mga magulang kayo'y nangagpakaligaw sa aking mga tuntunin, at hindi ninyo tinalima. (F)Manumbalik kayo sa akin, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. (G)Nguni't inyong sinasabi, Sa ano kami manunumbalik?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978