Font Size
Mangangaral 9:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mangangaral 9:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Alam ng buháy na siya'y mamamatay ngunit ang patay ay walang anumang nalalaman. Wala na silang pag-asa, at nakakalimutan nang lubusan. 6 Nawawala pati kanilang pag-ibig, pagkapoot, at pagkainggit; anupa't wala silang namamalayan sa anumang nangyayari sa mundo.
7 Sige, magpakasaya ka sa pagkain at pag-inom sapagkat iyon ay itinakda ng Diyos para sa iyo.
Read full chapter