Add parallel Print Page Options

15 Sinabi(A) niya, “Dumating na ang takdang panahon. Malapit nang maghari ang Diyos![a] Kaya magsisi na kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan. Paniwalaan ninyo ang Magandang Balita!”

Ang Pagtawag sa Apat na Mangingisda(B)

16 Habang naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid na Simon at Andres na nanghuhuli ng isda sa pamamagitan ng lambat. Sila'y kapwa mga mangingisda. 17 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at kayo'y gagawin kong mangingisda ng mga tao.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 1:15 Malapit nang maghari ang Diyos!: o kaya'y Naghahari na ang Diyos .