Font Size
Marcos 1:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Marcos 1:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Halos lahat ng taga-Judea at taga-Jerusalem ay pumunta kay Juan. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila'y binautismuhan niya sa Ilog Jordan.
6 Ang(A) damit ni Juan ay yari sa balahibo ng kamelyo, at balat naman ng hayop ang kanyang sinturon. Ang kanya namang pagkain ay balang at pulot-pukyutan. 7 Ito ang ipinapahayag niya sa mga tao, “Ang darating na kasunod ko ay higit na makapangyarihan kaysa sa akin. Ni hindi ako karapat-dapat yumukod at magkalas man lamang ng tali ng kanyang sandalyas.[a]
Read full chapterFootnotes
- 7 Ni hindi…ng kanyang sandalyas: o kaya'y Ni hindi man lamang ako karapat-dapat na maging kanyang alipin .