Add parallel Print Page Options

Tungkol sa Paghihiwalay ng Mag-asawa(A)

10 Umalis doon si Jesus at tumawid sa ibayo ng Jordan at nagpunta sa lupain ng Judea. Muli siyang dinagsa ng napakaraming tao. Tulad ng kanyang nakasanayan, sila'y kanyang tinuruan. Ilang Fariseo ang dumating at nagtanong upang siya'y subukin, “Naaayon ba sa Kautusan na paalisin ng isang lalaki at hiwalayan ang kanyang asawa?” “Ano ba ang utos sa inyo ni Moises?” sagot ni Jesus.

Read full chapter