Add parallel Print Page Options

35 Lumayo siya nang kaunti, lumuhod sa lupa at nanalangin na kung maaari ay huwag na niyang danasin ang paghihirap na kanyang haharapin. 36 Sinabi niya, “Ama, magagawa nʼyo ang lahat ng bagay. Kung maaari, ilayo nʼyo sa akin ang mga paghihirap na darating.[a] Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.”

37 Binalikan ni Jesus ang tatlo niyang tagasunod at dinatnan silang natutulog. Sinabi niya kay Pedro, “Simon, natutulog ka ba? Hindi ka ba makapagpuyat kahit isang oras lang?”

Read full chapter

Footnotes

  1. 14:36 ang mga paghihirap na darating: sa literal, ang kopang ito.