Font Size
Marcos 16:18-20
Ang Salita ng Diyos
Marcos 16:18-20
Ang Salita ng Diyos
18 Makakadampot sila ng mga ahas. Kapag uminom sila ng anumang bagay na nakakamatay, hindi sila mapipinsala niyaon sa anumang paraan. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa may mga karamdaman at bubuti sila.
19 Kaya nga, pagkatapos magsalita ng Panginoon sa kanila, siya ay dinalang paitaas sa langit at umupo sa kanang tabi ng Diyos. 20 Ang mga alagad ay umalis at nangaral kahit saang dako. Ang Panginoon ay kasama nilang gumagawa. Pinagtitibay niya ang kaniyang salita sa pamamagitan ng mga tandang sumusunod dito. Siya nawa!
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Bibles International