Add parallel Print Page Options

21 “Walang nagtatagpi ng bagong tela sa isang lumang damit sapagkat kapag umurong ang bagong tela, mababatak ang tinagpian at lalong lalaki ang punit. 22 Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat sapagkat papuputukin lamang ng alak ang sisidlang-balat, at kapwa masasayang ang alak at ang sisidlan. [Sa halip, ang bagong alak ay inilalagay sa bagong sisidlang-balat!]”[a]

Katanungan tungkol sa Araw ng Pamamahinga(A)

23 Isang(B)(C) Araw ng Pamamahinga, naparaan si Jesus at ang kanyang mga alagad sa triguhan. Habang sila'y naglalakad, ang mga alagad ay pumipitas ng trigo.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 2:22 Sa halip…sa bagong sisidlang-balat: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.