Font Size
Marcos 3:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Marcos 3:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Si Jesus at si Beelzebul(A)
20 Pag-uwi ni Jesus, muling nagkatipon doon ang napakaraming tao kaya't hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong kumain pa. 21 Nang mabalitaan iyon ng kanyang mga kamag-anak, pumunta sila roon upang kunin siya dahil maraming nagsasabi na siya'y nasisiraan ng bait.
22 Sinasabi(B) naman ng mga tagapagturo ng Kautusan na galing sa Jerusalem, “Sinasapian siya ni Beelzebul. Nakapagpapalayas siya ng demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pinuno ng mga demonyo!”
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC)
By Philippine Bible Society