Add parallel Print Page Options

33 Nakita sila ng napakaraming tao sa kanilang pag-alis, at marami ang nakakilala kay Jesus. Nagtakbuhan sila mula sa lahat ng mga lungsod at nauna pang dumating sa kanila. Sama-sama silang lumapit kay Jesus. 34 Pagkalunsad ni Jesus, nakita niya ang napakaraming tao at nahabag siya sa kanila sapagkat sila ay parang mga tupang walang pastol. Sinimulan niyang turuan sila ng maraming bagay.

35 Nang palubog na ang araw, lumapit kay Jesus ang kaniyang mga alagad. Kanilang sinabi: Ang lugar na ito ay ilang at gumagabi na.

Read full chapter