Add parallel Print Page Options

18 Dadalhin kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin. Ihaharap kayo sa kanila upang magbigay ng patotoo laban sa kanila at sa mga Gentil. 19 Ngunit kapag ibinigay nila kayo, huwag kayong mag-alala kung papaano o ano ang inyong sasabihin sapagkat sa oras ding iyon ay ipagkakaloob sa inyo kung ano ang inyong sasabihin. 20 Ito ay sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.

Read full chapter