Add parallel Print Page Options

19 Dumating ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom. Sinabi nila: Narito ang isang taong matakaw at manginginom ng alak. Isang taong kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan. Ngunit ang karunungan ay pinapaging-matuwid ng kaniyang mga anak.

Kaabahan at Pagpapasalamat

20 Pagkatapos, pinasimulan niyang sumbatan ang mga lungsod na ginawan niya ng maraming himala sapagkat hindi pa rin sila nagsisi.

21 Sa aba mo, Corazin! Sa aba mo, Betsaida! Ito ay sapagkat kung sa Tiro at Sidon nangyari ang mga himalang ginawa sa inyo, malaon na sana silang nakapagsisi at nagsuot ng magaspang na damit at nagbuhos ng abo sa kanilang sarili.

Read full chapter