Add parallel Print Page Options

24 Ngunit sinasabi ko sa inyo: Lalong madali ang titiisin ng Sodoma sa araw ng paghuhukom kaysa ng sa inyo.

Pasasalamat at Paanyaya ni Jesus

25 Nang sandaling iyon, sinabi ni Jesus: O Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, pinasasalamatan kita sapagkat ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino. Ngunit inihayag mo ang mga ito sa mga sanggol.

26 Gayon nga Ama, sapagkat ito ang nakakalugod sa iyong paningin.

Read full chapter