Font Size
Mateo 12:42-44
Ang Salita ng Diyos
Mateo 12:42-44
Ang Salita ng Diyos
42 Ang Reyna ng Timog ay titindig sa araw ng paghuhukom kasama ng lahing ito. Siya ang hahatol sa lahing ito sapagkat nanggaling pa siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon. At narito, ang isang higit na dakila kaysa kay Solomon.
43 Kapag ang karumal-dumal na espiritu ay lumabas sa isang tao, gumagala siya sa mga tuyong dako. Naghahanap siya ng mapagpapahingahan ngunit wala siyang matagpuan. 44 Kaya sasabihin niya: Babalik ako sa bahay na pinanggalingan ko. At sa pagbalik niya, matatagpuan niya itong walang laman, nawalisan at nagayakan na.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International