Font Size
Mateo 13:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Mateo 13:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Layunin ng mga Talinghaga(A)
10 Pagkatapos, lumapit kay Jesus ang mga tagasunod niya at nagtanong, “Bakit po kayo gumagamit ng talinghaga sa pagtuturo sa mga tao?” 11 Sumagot si Jesus, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Dios,[a] pero hindi ito ipinagkaloob sa iba. 12 Sapagkat ang taong sumusunod sa narinig niyang katotohanan ay bibigyan pa ng higit na pang-unawa. Ngunit ang taong hindi sumusunod sa katotohanan, kahit ang kaunti niyang naunawaan ay kukunin pa sa kanya.
Read full chapterFootnotes
- 13:11 Dios: sa literal, langit, ganoon din sa talatang 24, 31, 33, 44, 45, 47 at 52. Tingnan ang “footnote” sa 3:2.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®