Add parallel Print Page Options

15 Sapagkat naging manhid na ang puso ng bayang ito,
    at mahirap nang makarinig ang kanilang mga tainga,
    at ipinikit nila ang kanilang mga mata;
baka ang kanilang mga mata'y makakita,
    at makarinig ang kanilang mga tainga,
at makaunawa ang puso nila,
    at manumbalik sa akin, at sila'y aking pagalingin.’

16 Ngunit(A) mapapalad ang inyong mga mata, sapagkat ang mga ito'y nakakakita; at ang inyong mga tainga, sapagkat ang mga ito'y nakakarinig.

17 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at mga taong matuwid ang naghangad na makita ang inyong nakikita, ngunit hindi nila nakita; at marinig ang inyong naririnig, ngunit hindi nila ito narinig.

Read full chapter