Add parallel Print Page Options

17 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Maraming propeta at mga taong matuwid ang mahigpit na naghangad na makita ang mga bagay na inyong nakikita, ngunit hindi nila nakita. Hinangad nilang marinig ang mga bagay na inyong naririnig ngunit hindi nila narinig.

18 Kaya nga, pakinggan ninyo ang talinghaga patungkol sa manghahasik. 19 Ang sinumang nakikinig sa salita ng paghahari ng Diyos at hindi ito nauunawaan ay pinupuntahan ng masama.Inaagaw nito ang salitang naihasik na sa kaniyang puso. Siya itong nahasikan ng binhi sa tabing-daan.

Read full chapter