Font Size
Mateo 14:23-25
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mateo 14:23-25
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
23 Matapos niyang pauwiin ang mga tao, nag-iisang umakyat siya sa bundok upang manalangin. Pagsapit ng gabi, naroroon pa rin siyang nag-iisa. 24 Ngunit nang mga sandaling iyon, ang bangka ay pumapalaot na at hinahampas ng mga alon, sapagkat pasalungat sa kanila ang hangin. 25 Nang madaling-araw na,[a] lumapit sa kanila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng lawa.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 14:25 Sa Griyego, ikaapat na pagbabantay sa gabi.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.