Font Size
Mateo 18:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mateo 18:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 “Ano sa palagay ninyo ang gagawin ng isang taong may sandaang tupa kung nawala ang isa sa mga iyon? Hindi ba't iniiwan niya ang siyamnapu't siyam na nasa bundok upang hanapin ang naligaw? 13 Tandaan ninyo: kapag ito'y kanyang natagpuan, higit niyang ikagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu't siyam na hindi naligaw. 14 Gayundin naman hindi ayon sa kalooban ng inyong Ama[a] na nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.”
Read full chapterFootnotes
- 14 inyong Ama: Sa ibang manuskrito'y aking Ama .