Add parallel Print Page Options

28 Ngunit ang alipin ding iyon, sa kanyang paglabas, ay natagpuan ang isa sa mga kapwa niya alipin na nagkautang sa kanya ng isandaang denario. Sinunggaban niya ito, sinakal, at sinabihan, ‘Bayaran mo ang utang mo.’

29 Kaya't nanikluhod ang kanyang kapwa alipin at nakiusap sa kanya, na nagsasabi, ‘Pagpasensyahan mo ako, at babayaran kita.’

30 Ngunit ayaw niya. Siya'y umalis at ipinabilanggo ang kapwa alipin[a] hanggang sa mabayaran nito ang utang.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 18:30 Sa Griyego ay kanyang ipinabilanggo siya .