Font Size
Mateo 19:12-14
Ang Biblia, 2001
Mateo 19:12-14
Ang Biblia, 2001
12 Sapagkat may mga eunuko,[a] na ipinanganak na gayon mula sa sinapupunan ng kanilang mga ina; at may mga eunuko na ginawang eunuko ng mga tao; at may mga eunuko na ginawang eunuko ang kanilang mga sarili alang-alang sa kaharian ng langit. Ang makakatanggap nito, ay hayaang tumanggap.”
Pinagpala ni Jesus ang Maliliit na Bata(A)
13 Pagkatapos ay dinala sa kanya ang maliliit na bata, upang ipatong niya ang kanyang mga kamay sa kanila at ipanalangin. Ngunit sinaway ng mga alagad ang mga tao.
14 Ngunit sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalang lumapit sa akin, sapagkat sa mga tulad nila nauukol ang kaharian ng langit.”
Read full chapterFootnotes
- Mateo 19:12 Tingnan sa Talaan ng mga Salita.