Add parallel Print Page Options

11 At pagpasok nila sa bahay ay nakita nila ang bata, kasama ang ina nitong si Maria. Sila'y yumukod at sumamba sa bata. Binuksan nila ang mga sisidlan ng kanilang kayamanan at naghandog sa kanya ng mga regalong ginto, kamanyang, at mira. 12 At dahil binalaan sila ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip na huwag na silang babalik kay Herodes, dumaan sila sa ibang daan pauwi sa kanilang sariling bayan.

Ang Pagtakas Patungo sa Ehipto

13 Nang makaalis ang mga pantas, nagpakita kay Jose sa isang panaginip ang isang anghel ng Panginoon. “Bumangon ka,” sabi nito sa kanya. “Dalhin mo ang bata at ang kanyang ina. Tumakas kayo at pumunta sa Ehipto. Manatili kayo roon hanggang sabihin ko sa iyo, sapagkat ipahahanap na ni Herodes ang bata upang patayin.”

Read full chapter