Font Size
Mateo 2:14-16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mateo 2:14-16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
14 Bumangon nga siya at nang gabi ring iyon ay dinala ang bata at ang ina nito papuntang Ehipto. 15 Sila'y nanatili roon hanggang sa mamatay si Herodes. Naganap ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: “Mula sa Ehipto ay tinawag ko ang aking anak.”
Ipinapatay ang Maliliit na Batang Lalaki
16 Galit na galit si Herodes nang mabatid niyang nalinlang siya ng mga pantas. Kaya't ipinapatay niya ang lahat ng mga batang lalaki may dalawang taong gulang pababa na nasa Bethlehem at sa mga karatig-pook, batay sa panahong tiniyak niya mula sa mga pantas.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.