Font Size
Mateo 2:4-6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mateo 2:4-6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
4 Pinulong niya ang lahat ng mga pinunong pari at ang mga tagapagturo ng kautusan sa sambayanan at itinanong sa kanila kung saan isisilang ang Cristo. 5 At sumagot sila, “Doon po sa Bethlehem ng Judea, tulad ng isinulat ng propeta:
6 ‘At ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda,
ay hindi páhuhulí sa mga pinuno ng Juda;
sapagkat manggagaling sa iyo ang isang pinuno
na siyang magpapastol ng aking bayang Israel.’ ”
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.