Font Size
Mateo 20:29-31
Magandang Balita Biblia
Mateo 20:29-31
Magandang Balita Biblia
Pinagaling ang Dalawang Bulag(A)
29 Pag-alis nila sa Jerico, si Jesus ay sinundan ng napakaraming tao. 30 Doon ay may dalawang bulag na nakaupo sa tabi ng daan. Nang marinig nilang dumaraan si Jesus, sila'y nagsisigaw, “Panginoon, Anak ni David,[a] mahabag po kayo sa amin!”
31 Pinagsabihan sila ng mga tao at pinatahimik, ngunit lalo silang nagsisigaw, “Panginoon, Anak ni David, mahabag po kayo sa amin!”
Read full chapterFootnotes
- Mateo 20:30 Anak ni David: Sa ibang manuskrito'y Jesus, Anak ni David .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.