Add parallel Print Page Options

15 Nang makita ng mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan ang mga kamangha-manghang bagay na ginawa niya, lubha silang nagalit. Lubha rin silang nagalit dahil sa nakita nila sa templo ang mga batang sumisigaw na sinasabi: Hosana sa Anak ni David!

16 Kaya sinabi nila kay Jesus: Naririnig mo ba ang sinasabi ng mga ito?

Sinabi ni Jesus sa kanila: Oo, hindi ba ninyo nabasa:

Mula sa bibig ng mga bata at mga sanggol ay inihanda mo ang wagas na pagpupuri sa iyo?

17 Iniwan niya sila roon at pumunta siya sa lungsod ng Betania. Doon siya nagpalipas ng gabi.

Read full chapter