Font Size
Mateo 22:16-18
Ang Biblia, 2001
Mateo 22:16-18
Ang Biblia, 2001
16 Kaya't sinugo nila ang kanilang mga alagad sa kanya, kasama ng mga Herodiano,[a] na nagsasabi, “Guro, alam naming ikaw ay tapat, at itinuturo mo ang daan ng Diyos ayon sa katotohanan at wala kang pinapanigang sinuman, sapagkat hindi ka nagtatangi ng tao.[b]
17 Sabihin mo nga sa amin, ano sa palagay mo? Matuwid bang magbuwis kay Cesar,[c] o hindi?”
18 Ngunit batid ni Jesus ang kanilang kasamaan, sinabi niya, “Bakit ninyo ako sinusubok, mga mapagkunwari?
Read full chapterFootnotes
- Mateo 22:16 HERODIANO: Mga taong tagasunod ng angkan ni Herodes.
- Mateo 22:16 Sa Griyego ay hindi ka tumitingin sa mukha ng mga tao .
- Mateo 22:17 CESAR: Isang taguri sa emperador.