Add parallel Print Page Options

27 Pagkatapos, kumuha siya ng inumin,[a] nagpasalamat sa Dios, at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Uminom kayong lahat nito, 28 dahil ito ang aking dugo na ibubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng maraming tao. Katibayan ito ng bagong[b] kasunduan ng Dios sa mga tao. 29 Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng aking Ama. At sa araw na iyon, iinom ako ng bagong klase ng inumin kasama ninyo sa kaharian ng aking Ama.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 26:27 inumin: sa literal, baso o, kopa.
  2. 26:28 Hindi makikita ang salitang “bago” sa ibang tekstong Griego.