Font Size
Mateo 28:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mateo 28:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Biglang lumindol nang malakas sapagkat bumabâ mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon. Iginulong nito ang batong nakatakip sa libingan at umupo sa ibabaw niyon. 3 Ang kanyang mukha ay nakakasilaw na parang kidlat at puting-puti ang kanyang damit. 4 Nanginig sa takot ang mga bantay nang makita ang anghel, at sila'y nabuwal na parang mga patay.
Read full chapter