Add parallel Print Page Options

Wala siya rito. Ito ay sapagkat nabuhay na siya ayon sa sinabi niya. Halikayo at tingnan ninyo ang dakong pinaghigaan sa Panginoon. Magmadali kayong pumunta at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad: Nabuhay na siya mula sa mga patay at narito, mauuna siya sa inyo patungong Galilea. Doon ay makikita ninyo siya. Narito, sinabi ko na sa inyo.

Sila ay mabilis na umalis mula sa libingan na may takot at malaking kagalakan. Sila ay tumakbo upang sabihin sa kaniyang mga alagad.

Read full chapter