Add parallel Print Page Options

16 Ang mga taong nasa kadiliman
    ay nakakita ng maningning na ilaw!
Sa mga nakatira sa lilim ng kamatayan
    ay sumikat ang liwanag.”

17 Magmula(A) noon ay nangaral si Jesus. Itinuturo niyang, “Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit.”

Ang Pagtawag sa Apat na Mangingisda(B)

18 Minsan, naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Nakita niyang naghahagis ng lambat sa lawa ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag ding Pedro, at ang kapatid niyang si Andres.

Read full chapter