Add parallel Print Page Options

19 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao.”[a] 20 Iniwan nila agad ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya.

21 At habang patuloy sa paglalakad si Jesus, nakita niya ang magkapatid na sina Santiago at Juan, na mga anak ni Zebedee. Nakaupo sila sa bangka kasama ng kanilang ama at nag-aayos ng lambat. Tinawag din ni Jesus ang magkapatid.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:19 mangingisda ng mga tao: Ang ibig sabihin, tagahikayat ng mga tao na lumapit sa Dios.