Add parallel Print Page Options

12 “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo. Ganyan ang tamang pagsunod sa Kautusan ni Moises at sa mga isinulat ng mga propeta.”[a]

Ang Makipot na Pintuan(A)

13 “Pumasok kayo sa makipot na pintuan, dahil maluwang ang pintuan at malapad ang daan patungo sa kapahamakan, at marami ang pumapasok doon. 14 Ngunit makipot ang pintuan at mahirap ang daan patungo sa buhay na walang hanggan, at kakaunti lang ang dumadaan dito.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:12 Ganyan ang tamang … propeta: o, Ito ang buod ng Kautusan ni Moises at ng mga isinulat ng mga propeta.