Add parallel Print Page Options

27 Kaya't namangha ang mga tao at sinabi nila, “Anong uri ng tao ito? Kahit ang hangin at ang dagat ay sumusunod sa kanya?”

Pinagaling ang mga Gadarenong Inaalihan ng mga Demonyo(A)

28 Pagdating niya sa kabilang pampang, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaking sinasaniban ng demonyo. Nanggaling ang mga lalaking ito sa mga libingan at sila'y mababangis kaya't walang taong makadaan doon. 29 Bigla silang sumigaw, “Ano'ng kailangan mo sa amin, Anak ng Diyos? Pumarito ka ba upang parusahan na kami bago pa sumapit ang takdang panahon?”

Read full chapter