Font Size
Mateo 9:17-19
Ang Salita ng Diyos
Mateo 9:17-19
Ang Salita ng Diyos
17 Hindi rin isinasalin ng sinumang tao ang bagong alak sa mga lumang sisidlang-balat. Kung magkakagayon, puputok ang mga sisidlang-balat. Ngunit isinasalin nila ang bagong alak sa mga bagong sisidlang-balat at kapwa silang tatagal.
Ang Babaeng Maysakit at Batang Babaeng Patay
18 Samantalang sinasabi niya ang mga bagay na iyon sa kanila, narito, dumating ang isang pinuno. Sinamba siya at kaniyang sinabi: Kamamatay pa lamang ng aking anak na babae. Ngunit sumama ka sa akin at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya at mabubuhay siya.
19 Tumindig si Jesus at sumama sa kaniya at gayundin ang kaniyang mga alagad.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International