Add parallel Print Page Options

31 Subalit pag-alis nila ay ipinamalita nila ang tungkol sa kanya sa buong lupaing iyon.

Pinagaling ang Lalaking Pipi

32 Nang paalis na sina Jesus, dinala sa kanya ang isang taong pipi dahil ito'y sinasaniban ng demonyo. 33 Pinalayas ni Jesus ang demonyo, at ang pipi ay nakapagsalita. Namangha ang napakaraming tao at nagsabi, “Wala pang nakitang tulad nito sa Israel.”

Read full chapter