Font Size
Mateo 9:33-35
Ang Biblia, 2001
Mateo 9:33-35
Ang Biblia, 2001
33 Nang mapalabas na ang demonyo, nagsalita ang dating pipi. Namangha ang maraming tao at nagsabi, “Wala pang nakitang tulad nito sa Israel.”
34 Ngunit(A) sinabi ng mga Fariseo, “Nagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng pinuno ng mga demonyo.”[a]
Nahabag si Jesus sa mga Tao
35 Nilibot(B) ni Jesus ang lahat ng mga lunsod at mga nayon, na nagtuturo sa mga sinagoga nila at ipinangangaral ang magandang balita ng kaharian, at pinapagaling ang bawat sakit at bawat karamdaman.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 9:34 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang talatang ito.