Font Size
Mateo 9:33-35
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mateo 9:33-35
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
33 Pinalayas ni Jesus ang demonyo, at ang pipi ay nakapagsalita. Namangha ang napakaraming tao at nagsabi, “Wala pang nakitang tulad nito sa Israel.” 34 Subalit sinabi ng mga Fariseo, “Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pinuno ng mga demonyo ay nagpapalayas siya ng mga demonyo.”
Nahabag si Jesus sa mga Tao
35 Nilibot ni Jesus ang lahat ng mga lungsod at mga nayon, at nagtuturo sa mga sinagoga ng mga Judio at ipinapahayag ang Magandang Balita ng kaharian. Pinagagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.