Add parallel Print Page Options

34 Ngunit(A) sinabi ng mga Fariseo, “Nagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng pinuno ng mga demonyo.”[a]

Nahabag si Jesus sa mga Tao

35 Nilibot(B) ni Jesus ang lahat ng mga lunsod at mga nayon, na nagtuturo sa mga sinagoga nila at ipinangangaral ang magandang balita ng kaharian, at pinapagaling ang bawat sakit at bawat karamdaman.

36 Nang(C) makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila, sapagkat sila ay nangangamba at nanlulupaypay na gaya ng mga tupa na walang pastol.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 9:34 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang talatang ito.