Add parallel Print Page Options

Nahabag si Jesus sa mga Tao

35 Nilibot ni Jesus ang lahat ng mga lungsod at mga nayon, at nagtuturo sa mga sinagoga ng mga Judio at ipinapahayag ang Magandang Balita ng kaharian. Pinagagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman. 36 Nang kanyang makita ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila'y nababalisa at nakakaawa, na gaya ng mga tupang walang pastol. 37 Sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Napakarami ng aanihin, subalit kakaunti ang mga manggagawa.

Read full chapter