Add parallel Print Page Options

Sa kabila nito, gaya ng pangako, sila'y iniligtas,
    upang ipadama na ang Panginoo'y dakila't malakas.
Nang(A) siya'y mag-utos, ang Dagat na Pula[a] ay natuyong bigla,
    sila'y itinawid na ang dinaanan ay tuyo nang lupa.
10 Sila'y iniligtas sa pagpapahirap ng mga kaaway,
    iniligtas sila sa kapangyariha't lakas ng kalaban.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Awit 106:9 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .