Add parallel Print Page Options

16 (A)Nakita ka ng tubig, Oh Dios;
Nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot:
Ang mga kalaliman din naman ay nanginig.
17 Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig;
(B)Ang langit ay humugong:
Ang mga (C)pana mo naman ay nagsihilagpos.
18 Ang (D)tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo;
Tinanglawan (E)ng mga kidlat ang sanglibutan:
Ang lupa ay nayanig at umuga.

Read full chapter