Font Size
Mga Awit 78:55-57
Ang Biblia (1978)
Mga Awit 78:55-57
Ang Biblia (1978)
55 Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila,
At (A)binahagi sa kanila na pinakamana (B)sa pamamagitan ng pising panukat,
At pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.
56 Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios,
At hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
57 Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang:
Sila'y nagsilisyang (C)parang magdarayang busog.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978